China, nanawagan sa Armenia at Azerbaijan na resolbahin ang gulo sa pamamagitan ng dayalogo

China, nanawagan sa Armenia at Azerbaijan na resolbahin ang gulo sa pamamagitan ng dayalogo

NANAWAGAN ang Chinese envoy sa United Nations noong Huwebes sa Azerbaijan at Armenia na resolbahin ang gulo sa pagitan nito sa pamamagitan ng dayalogo at konsultasyon kasunod ng girian sa pagitan nito sa Nagorno Karabakh Region.

Inanunsiyo ng Azerbaijan na naglunsad ito ng local counter terrorism activities noong Martes sa Karabakh Economic Region bilang pagresponde sa pagkamatay ng dalawang sibilyan at apat na police officers sa insidente na may kaugnayan sa umano’y landmine na inilagay diumano ng Armenian Armed Forces.

Kasunod ng tensiyon noong mga nagdaang araw, nagsagawa ang UN Security Council ng pagpupulong ukol sa sitwasyon sa Nagorno-Karabakh Region na dinaluhan naman ng foreign ministers ng Azerbaijan at Armenia.

Si Miroslav Jenca, UN Assistant Secretary General for Europe, Central Asia, at America, ang nanguna para sa nasabing pagpupulong at tinawag ang lahat ng partido na magpatupad ng ceasefire agreement at siguruhin ang full humanitarian access sa lugar.

Samantala, inihayag naman ni Geng Shuang, China Deputy Permanent Representative to UN sa Security Council meeting na ang China ay nababahala sa kasalukuyang sitwasyon sa Angorno-Karabakh Region at umaasa na magkakaroon na ng ceasefire upang maiwasan ang mga hindi pang inaasahang mga sitwasyon.

“Armenia and Azerbaijan are neighbors that cannot be moved away from each other. Resolving disputes through dialogue and consultation serves the fundamental interests of the two countries and is conducive to jointly safeguarding regional peace and stability. In previous deliberations of the Security Council, China has always advocated that the two countries remain calm and exercise restraint to avoid escalation of the situation, casualties and deterioration of the humanitarian situation,” ayon kay Geng Shuang, Deputy Permanent, Representative of China to UN.

Inihayag din ni Geng na sinusuportahan ng China ang dalawang panig na patuloy na magkaroon ng tiwala sa isa’t isa at magkasundo sa tulong ng mediation parties, sumusuporta rin umano ang China sa lahat ng diplomatikong paraan para makamit ang kapayapaan sa nasabing rehiyon.

Matatandaan na matagal nang may hindi pagkakaunawaan ang Armenia at Azerbaijan ukol sa bulubunduking lugar ng Nagorno Karabakh mula pa 1988.

Nagkaroon na rin ng mga peace talk mula pa noong 1994 at napagkasunduan noon ang pagkakaroon ng ceasefire pero sa kabila nito ay mayroong mga maliliit na alitan pagitan nito.

Isang bagong round ng major armed conflict ang nag-ugat nga noong Setyembre 27 taong 2020 bago pa pumagitna ang Russia at nagsulong ng bagong ceasefire agreement noong Nobyembre 9, 2020. Sa kabila ng lahat ng ito ay hindi pa rin natigil ang tensiyon sa nasabing rehiyon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter