Chinese Embassy sa Pilipinas at SMNI Foundation, nagtayo ng basketball court sa Brgy. Tamayong

Chinese Embassy sa Pilipinas at SMNI Foundation, nagtayo ng basketball court sa Brgy. Tamayong

NAGTAYO ng isang basketball court ang Chinese Embassy sa Pilipinas katuwang ang SMNI Foundation para sa mga residente ng Brgy. Tamayong Calinan Davao City.

Ito ang Purok 1 Brgy. Tamayong Calinan Davao City.

Tahanan ng daan-daang pamilya na binubuo ng iba’t ibang ethnic group sa Davao City.

Magkakaiba man ng tribu at paniniwala pero naninirahan nang matiwasay sa kanilang barangay.

At isa ang Brgy. Tamayong na napili ng SMNI Foundation, Inc sa mga serye ng mga itatayong basketball court sa iba’t ibang panig ng bansa.

Layunin ng programang ito ang matulungan ang mga barangay na mapalakas ang mga programa nito sa sports at magkaroon ng lugar upang ganapin ang mga mahahalagang pagtitipon sa barangay.

Kaya ngayong araw, Abril 26, 2023 ay pormal nang binuksan ang basketball court at iti-nurn over sa barangay.

Isa lamang ang Brgy. Tamayong sa nabiyayaan sa nasabing programa ng Chinese Embassy to the Philippines at SMNI Foundation Inc. at abangan ang mga lugar na pupuntahan kung saan pagtatayuan ng basketball court.

Follow SMNI NEWS in Twitter