ITINANGGI ng Chinese Embassy na bahagi ang Pilipinas sa blacklist ng China ng mga tourist sites dahil sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) operations.
Tinawag din ng Chinese Embassy na misinformation ang nasabing ulat.
Una rito ay inihayag ni Senate President Migz Zubiri na ipinaalam sa kanya ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian na blacklisted ang Pilipinas.
Sinabi pa ni Zubiri na hindi kasi alam ng China kung ang kanilang mamamayan na tutungo sa Pilipinas ay sasali sa POGO operation at hindi na rin aniya hinihimok ang mga Chinese tourist na bumisita sa Pilipinas.