PATULOY pa ring minomonitor ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Chinese research vessel na namataang nagpalipat-lipat ng lokasyon sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.
Ayon kay PATULOY pa ring minomonitor ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Chinese research vessel na namataang nagpalipat-lipat ng…, tagapagsalita ng Philippine Navy for West Philippine Sea (WPS) umalis ng Shenzhen Port ang Chinese research vessel na Shen Kuo noong Abril 13 at noong Abril 22 namataan ito na dumaan sa Itbayat at Basco Batanes.
Base sa kanilang monitoring, sinabi ni Trinidad na ito ay isang civilian research vessel ngunit maaari itong magamit ng Chinese military.
Kasunod nito, pagdating aniya ng Catanduanes ay may inihulog na equipment ang mga sakay nito, bagay na inaalam pa ng Philippine Navy kung anong klaseng gamit ito.
Dahil dito sinabi ni Trinidad na agad silang nakipag-ugnayan sa Philippine Coast Guard (PCG) para malaman kung ano ang tunay na pakay ng mga nakasakay sa barko.
Maliban pa sa Shen Kuo, may namataan ding tatlong research vessel ng China sa Ayungin Shoal.
Sinabi ni Trinidad na ang hakbang na ito ng China ay nagpapakita na hindi aniya ito takot sa presensiya ng militar dahil itinaon ang lahat ng ito sa kasagsagan ng Balikatan Exercise.
Pero sinabi ng opisyal na dahil sa insidente asahan aniya na mas dadami pa ang kanilang gagawing multilateral activities.
Sa ngayon, patuloy pang nakikipag-ugnayan ang AFP sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan kaugnay sa pangyayari.
Samantala, bigla namang dumami ang mga nakikitang Chinese maritime militia vessels sa WPS habang nagsasagawa ng annual joint military drills ang Pilipinas at Estados Unidos.
Ayon sa datos ng Philippine Navy na ang naturang pagdami ng Chinese vessels sa WPS ay nagsimula noong unang linggo ng Abril na kung saan binubuo ito ng 78 vessels ng People’s Liberation Army Navy (PLAN), China Coast Guard (CCG), Chinese Maritime Militia (CMM) at mga mangingisda.