DAPAT unahing kondenahin ng Commission on Human Rights (CHR), ang human rights violations ng mga komunistang teroristang grupo bago ang drug war ng Duterte administration ayon kay Pastor Apollo C. Quiboloy.
Paulit-ulit na lang na usapin ng nais na panghihimasok ng International Criminal Court (ICC) sa Pilipinas dahil sa umano’y human rights abuses na ginawa ng Duterte administration sa war on drugs nito.
Ito ang naging pahayag ni Pastor Apollo sa kaniyang programang Give Us This Day nitong Huwebes kung saan sinagot nito ang tanong kung ano ba ang pananaw nito sa planong pakikipag-ugnayan sa ICC.
Ayon kay Pastor Apollo, ang mga lider na mismo sa bansa ang nais kumawala sa ICC.
“Kahit ‘yung Pangulo natin, nagsabi ‘We are cutting off ties with ICC.”
“Mga senador natin, mga congressman natin, lahat ng mga nandito, ayaw nila na pakialaman tayo ng ICC. Bakit? Kasi tayo ay isang republikang may mga batas na pinatutupad,” saad ni Pastor Apollo C. Quiboloy, The Kingdom of Jesus Christ.
Dinepensahan din ng butihing Pastor ang kampanya kontra ilegal na droga ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at sinabing nakita niyang lehitimo ang mga naging hakbang ng dating Pangulo.
“Si Pangulong Duterte, inutusan ba niyang mag-abuso kayo? Walang inutos na ganon. Sabi ba ni Pangulong Duterte ‘Sige patayin mo ‘yan. Meron ba siyang inutos na ganon? Ang narinig kong inutos niya ay ‘You have to do your job in this crusade against drugs. If your life is put in danger, you have to defend yourself. Syempre may nagkaputukan, barilan. Tulad ngayon, may ilang bilyong worth of drugs ang nasabat. Makikipagputukan talaga ‘yung mga druglords doon, ‘yung magdadala ng drugs. Legitimate accounts ‘yun, namamatay sila,” wika ni Pastor Apollo.
Dagdag pa rito, ani Pastor Apollo, hindi pinapakialaman ng CHR ang mga human rights violation ng mga komunistang teroristang grupong CPP-NPA-NDF.
“Itong Commission on Human Rights, hindi naman pinakikialaman ang human rights violation ng CPP-NPA-NDF. Saan maraming namatay? Sa CPP NPA terrorist group o sa drugwar na ang pakay ay iligtas ang kabataan at ang lahat ng taong Pilipino para hindi masira sa drugs at maging zombie nation tayo,” ayon pa sa butihing Pastor.
Binigyang-diin ni Pastor Apollo na dapat mas unahin ng CHR ang karahasan ng mga komunistang teroristang grupo at dapat aniya’y unang dapat kundenahin ito ng komisyon.
“Dapat tutukan muna ng CHR..walang naririnig sa CHR,” aniya.