Chris Cantada, may kanta para kay Jeongyeon ng Twice

Chris Cantada, may kanta para kay Jeongyeon ng Twice

ILALABAS na ni OPM artist at dating Sponge Cola drummer Chris Cantada sa Mayo 24 ang kaniyang kanta na dedicated para kay Jeongyeon, ang miyembro ng K-pop girl group na Twice!

Isang linggo ito bago ang nakatakdang fan meet ng grupo sa Pilipinas ngayong Hunyo 1 para sa isang snack brand.

Ang kanta na may pamagat na “Once” ay magkakaroon ng English at Korean versions.

Kamakailan ay ini-release ng Twice ang kanilang pinakalatest at 13th mini-album na may pamagat na “With You-th”.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble