MAGTUTUOS mamayang alas-kwatro ng hapon, Pebrero 18 sa PhilSports Arena ang Cignal HD Spikers at Akari Chargers.
Susundan naman sila ng laro sa pagitan ng Capital1 Solar Spikers at Farm Fresh Foxies, 6:30 ng gabi.
Sa ngayon, ang HD Spikers ay No. 3 sa rankings ng nagpapatuloy na 2024-25 PVL All-Filipino Conference kasama ang Choco Mucho Flying Titans at PLDT High Speed Hitters.
Sumunod naman sa kanila ang Chargers at Chery Tiggo Crossovers.
Ang Capital1 ay kasalukuyang pinakadulo sa rankings habang ang Farm Fresh ay bahagyang angat kumpara sa kanila maging sa Galleries Tower Highrisers at NXLED Chameleons.
Follow SMNI News on Rumble