MAGSASAGAWA ang Dubai Civil Defense ng evacuation drill kung saan hinihiling ang mga residente na magbigay-daan sa mga emergency vehicle at iwasan ang pagkuha ng mga litrato.
Inihayag ng Dubai Civil Defense na ang dalawang oras na exercise na ito ay isasagawa sa Dubai Opera sa Downtown Dubai.
Ang exercise na ito ay susubok sa kahandaan ng emergency response agency sa gitna ng krisis.
Ang operasyon na ito ay isasagawa sa tulong ng Dubai Police, Dubai ambulance, road and transport authority, municipality at health authority
Ang ibang departamento naman na tutulong sa drill ay ang Dubai electricity, water authority at red crescent.