Claimant ng mahigit P12-M halaga ng shabu sa Mandaluyong, arestado

Claimant ng mahigit P12-M halaga ng shabu sa Mandaluyong, arestado

ARESTADO sa Mandaluyong City ang claimant ng P12-M halaga ng shabu na nasabat noong Mayo 10 sa Clark, Pampanga.

Nadiskubre ng Bureau of Customs (BOC) ang isang shipment ng illegal na droga sa pamamagitan ng physical examination.

Ang shipment na mula California ay idineklarang naglalaman ng laruang pambata.

Nang ito’y ineksamin sa pamamagitan ng K9 at X-ray, natuklasan ang 2 lata ng Mr. Espresso premium coffee na naglalaman ng halos 2 gramo ng white crystalline substances.

Ang mga sample ng substance ay i-turn over sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para isuri sa laboratoryo at doon ay nagposititbo ang naturang substance sa methamphetamine hydrochloride o mas kilala sa tawag na ‘shabu’, isang uri ng dangerous drug sa ilalim ng Republic Act No. 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Noong Mayo 11, nagsagawa naman ng operasyon ang Port of Clark at ang PDEA sa address ng consignee sa Mandaluyong na nagbigay daan para sa pag-aresto ng claimant na nasa 42 ang edad.

Sasampahan ito ng criminal case dahil sa paglabag sa R.A. 9165.

Mag-i-issue naman ng warrant of seizure and detention ang BOC laban sa shipment dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act na may kaugnayan sa R.A. No. 9165.

Ayon sa BOC, patuloy nilang paiigtingin ang kanilang kampanya at security measures laban sa smuggling at ilegal na droga bilang bahagi ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

 “The BOC have been fully committed to the directives of President Ferdinand Marcos, Jr. to curb smuggling in all forms especially the smuggling of prohibited drugs, with our stricter border security measures in place, we are positive that these illegal drugs imported by unscrupulous individuals will be apprehended,” ayon kay Commissioner Bienvenido Rubio.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter