SOBRA-sobra na ang pambabastos ni Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Sinabi ito ng political strategist na si Malou Tiquia nang bigyang-diin ni Castro na dahil walang hurisdiksiyon ang International Criminal Court (ICC) sa Pilipinas, hindi tatalima ang pamahalaan sa anumang kondisyon na ilalatag kaugnay sa hiling na interim o temporary release ni FPRRD.
Hindi na rin ani Castro tatanggapin si FPRRD kung makauwi ng Pilipinas.
Para kay Tiquia, mukhang hindi naturuang magbigay respeto sa institusyon si Castro.
Sa katunayan, ayon sa political strategist, masyado nang mababa ang kalidad ng Presidential Communications dahil kay Castro.
Follow SMNI News on Rumble