Clean-up drive ng DENR MEO–North sa Dampalit River, matagumpay isinagawa

Clean-up drive ng DENR MEO–North sa Dampalit River, matagumpay isinagawa

BILANG bahagi ng pagdiriwang ng #MonthOfTheOcean2025, matagumpay na naisagawa ng DENR Metropolitan Environmental Office–North (MEO–North) ang clean-up drive sa Dampalit River, Barangay Bayan-Bayanan, Malabon City. Tinatayang 500 sako ng basura ang nakolekta mula sa ilog sa tulong ng higit sa 30 na Estero Rangers mula sa TuTi River Cluster at Malabon City Environment and Natural Resources Office.

Pinangunahan nina River Protection Officer (RPO) II Prince Favor at RPO I Elena Nazareno, Arthus Franco, at Michael Rivera ang operasyon. Habang naglilinis, napansin ng mga RPO ang muling pagdumi ng naunang nalinis na bahagi ng ilog, kaya’t nagkaroon ng talakayan kasama ang mga residente. Binigyang-diin ng mga opisyal ang kahalagahan ng pagkakaisa at responsableng pagtatapon ng basura.

Dumalo rin si Punong Barangay Arturo Valencia na nagpahayag ng suporta at plano ng barangay na gawing linear park ang paligid ng ilog, kabilang ang paglalagay ng bakod upang maiwasan ang muling pagdumi nito.

Ang aktibidad ay bahagi ng Manila Bay Rehabilitation Program, at alinsunod sa RA 9275 (Philippine Clean Water Act of 2004) at RA 9003 (Ecological Solid Waste Management Act of 2000).

Patuloy ang MEO–North sa mga hakbangin para sa malinis na daluyang-tubig at protektadong karagatan, tungo sa isang maka-kalikasang kinabukasan.

 

Editor’s Note: This article has been sourced from the DENR National Capital Region Facebook Page.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble