Cleveland Cavaliers panalo vs. Miami Heat sa Eastern Conference Semis

Cleveland Cavaliers panalo vs. Miami Heat sa Eastern Conference Semis

HINDI na pinatagal ng Cleveland Cavaliers ang serye laban sa Miami Heat sa score na 138-83.

Dahil dito, nakumpleto na nila ang 4-0 sweep at nakausad na sa NBA Eastern Conference semifinals nitong Lunes, April 29.

Sa first quarter pa lamang ay umarangkada na agad ang Cavs, 43-17 na ang lamang, at hindi na nila binitawan ang kontrol hanggang sa dulo.

Nanguna si Donovan Mitchell sa opensa na may 22 puntos, habang anim na players ng Cleveland ang nagtapos ng double digits kahit wala si Darius Garland.

Sunod na nilang makakaharap ang mananalo sa serye sa pagitan ng Milwaukee Bucks at Indiana Pacers, kung saan lamang na ang Indiana, 3wins-1 loss.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble