TINALAKAY ng Department of Migrant Workers (DMW) at International Organization on Migration (IOM) ang climate change kaugnay sa magiging epekto nito sa overseas Filipino workers (OFWs) sa buong mundo.
Maging ang DMW ay nababahala na rin sa magiging kalagayan ng OFWs kaugnay sa nakababahalang epekto ng lumalalang climate change sa buong mundo.
Kaugnay rito ay nagkaroon ng bilateral talks si DMW Secretary Susan ‘Toots’ Ople kasama si Director-General Antonio Vitorino ng IOM kaugnay sa mga OFW sa buong mundo hinggil sa magiging epekto sa kanila dulot ng climate change.
Sinabi ni Vitorino na inaasahan ng IOM na haharapin sa United Nations Climate Change Conference (COP) ngayong Nobyembre 27 ang pangangailangang suportahan ang mga bansang mas mahina sa epekto ng climate change kabilang na ang Pilipinas.
Binanggit din ng pinuno ng IOM ang papel ng Pilipinas sa pagtatagumpay sa 23 layunin ng UN Global Compact on Safe, Orderly and Regular Migration.
Ang bilateral talks ay ginawa sa New York City.
Samantala, kasabay nito iniutos ni DMW Secretary Susan ‘Toots’ Ople sa Philippine Overseas Labor Offices (POLOs) sa Japan at Taiwan na ipagpatuloy ang pagmomonitor sa kalagayan ng mga OFW at maging handa sa pagbibigay ng tulong kung kinakailangan.
Inatasan din ng kalihim ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na maging handa na magbigay ng tulong sa mga OFW sa mga naturang bansa.
Samantala sa huling tala walang naiulat na Pilipino sa Japan at Taiwan ang nasugatan o nasawi sa sakuna.
Sa isang ulat sa kalihim, sinabi ng POLO-Osaka na may 13,904 na mga OFW sa ilalim ng kanilang nasasakupan ang naitala.
Sa bilang na ito 5,368 ang nasa Fukuoka, 660 sa Saga, 1,001 sa Nagasaki, 2,520 sa Kumamoto, 1,607 sa Oita, 786 sa Miyazaki, at 1,962 sa Kagoshima.
Samantala, sinabi ng POLO-Tokyo na wala itong natatanggap na request para sa tulong ng mga OFW sa Japan.
Gayunpaman, pinaalalahanan ng labor post ang mga OFW, employer, at recruitment agencies na agad na i-report ang anumang insidente na may kinalaman ang mga OFW sa bagyo.
Mayroong 22,000 OFW sa ilalim ng hurisdiksyon ng POLO-Tokyo.
Pinapayuhan na maaring makipag ugayan sa POLO ng Japan ang mga OFW kung kinakailangan.
POLO- Tokyo
Welfare Hotline
(WelOf Nico Herrera)
+81 70 3630 0167
POLO- Osaka
LabAtt Elizabeth Estrada
+81 70 2275 6083
WelOf Pilipina Dino
+81 70 2447 4014
Welfare Hotline (Dahnia Domado)
+ 81 70 2447 4016
Verification Hotline (Marina Mori Alvez)
+ 81 70 2275 6082
Sa Taiwan naman, inatasan ni Ople ang mga opisyal ng paggawa na ipagpatuloy ang pakikipagtulungan sa mga awtoridad ng gobyerno at manatiling konektado sa mga komunidad, kinatawan, at area coordinator ng mga Pilipino.
Matatandaan ang Taiwan ay tinamaan ng malakas na 6.8 magnitude na lindol noong Linggo.
Samantala sa huling tala, walang naiulat na Pilipino sa Japan at Taiwan ang nasugatan o nasawi sa sakuna.