Mas maluwag na restriksyon sa mga foreign traveller, pag-uusapan sa susunod na IATF meeting

Mas maluwag na restriksyon sa mga foreign traveller, pag-uusapan sa susunod na IATF meeting

LULUWAGAN ng bansa ang mga patakaran para sa mga foreign national na papasok sa bansa pagkatapos luwagan ang polisiya para sa pagpapasuot ng face mask.

Ayon kay DOH OIC Usec. Maria Rosario Vergeire, naging direktiba ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na mas luwagan pa ang restrictions sa border control.

Sa kasalukuyan, ipinagbabawal ng pamahalaan ang pagpapasok sa mga byaherong dayuhan kung hindi pa sila nababakunahan kontra COVID-19.

Ang kautusan na ito ay nakabase sa EO 168.

Ayon kay Vergeire, aamyendahan ang kautusan kung sakaling mayroon nang napag-usapan o napagdesisyunan ang IATF.

Samantala, sinabi naman ni Vergeire na wala pa silang assessment sa epekto ng pagtatanggal ng face mask mandate sa outdoor setting.

Wala rin daw silang maibigay na panibagong projection para sa COVID-19 cases sa susunod na mga buwan kahit isang linggo nang ipinatutupad ang optional face mask use.

Ayon kay Vergeire, inaanalisa pa nila ang kanilang datos.

Mayroon din aniya silang mga isinagawang small survey kung saan lumalabas na mayroon pa ring mga indibidwal ang nagsusuot ng kanilang mga face mask kahit nasa labas sila ng bahay.

Follow SMNI NEWS in Twitter