NANINIWALA ang Kalibo LGU na malaki na ang ipinagbago ng klima sa bansa.
Sa panayam ng SMNI News sa lokal na pamahalaan sa lugar, climate change ang nakikita nilang dahilan ng mga biglaang pagbaha sa kanilang lugar.
Umabot sa 6 na bayan ng probinsiya ng Aklan ang nalubog sa tubig-baha kasunod ng pananalasa ng Bagyong Paeng sa bansa.
Isa sa anim ang bayan ng Kalibo, kung saan maraming residente ang apektado at inilikas.
Maraming nawalan ng tirahan dahil sa sobrang pagbaha lalo na sa mabababang parte ng bayan na mismong katabi ng Aklan River.
Sa panayam kay Kalibo Mayor Juris Succo, ang biglaang pag-iiba ng klima o climate change ang isa sa mga idinadahilan nito kung kayat halos hindi napaghahandaan ng tao ang isang kalamidad.
Isa na rito ang nangyari sa kanilang lugar.
Isa lamang ito sa mga epekto ng matinding baha na naranasan ng kanilang bayan, bagamat pinag- aaralan na ng kanilang tanggapan ang pakikipag ugnayan sa iba pang ahensiya ng pamahalaan na ayusin ang kahabaan ng Aklan River, isa na rito ang dredging.
Sa kabila ng hamong ito, naniniwala ang lokal na pamahalaan ng Kalibo na marami silang natutunan at mga gagawing hakbang para maiwasan ang disgrasya o anumang pinsala sa mga ari-arian at maging sa buhay.