TARGET ng pamahalaan na itayo ang mga makabago at climate-resilient na paaralan.
Hakbang ito para mapalakas ang edukasyon at kaligtasan ng mga mag-aaral sa gitna ng banta ng kalamidad at climate change.
Ayon sa Department of Education (DepEd), isinusulong ngayon ang pagtatayo ng “smart” classrooms na hindi lang matibay kundi may teknolohiya rin para sa mas epektibong pagtuturo.
Tuloy-tuloy na ang pakikipag-ugnayan ng DepEd sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at iba pang ahensiya upang maisakatuparan ang mga bagong school design standards.