Co-accused ni Cassandra Ong naaresto sa Pampanga

Co-accused ni Cassandra Ong naaresto sa Pampanga

INARESTO ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang co-accused ng negosyanteng si Cassandra Ong sa Mabalacat City, Pampanga.

Nahuli ang suspek na si alyas “Marlon,” sa isinagawang entrapment operation ng CIDG sa Brgy. Tabun nitong Linggo ng gabi, Mayo 22, 2025.

Si Marlon ay isa umanong operation officer ng security agency na sangkot sa ilegal na aktibidad sa Lucky South 99 Outsourcing Inc., isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Porac, Pampanga.

Ayon sa CIDG, ang suspek ay may nakabinbing warrant of arrest para sa 10 counts ng kasong qualified trafficking in persons na inisyu ng Regional Trial Court Branch 118 sa Angeles City, Pampanga.

Si Cassandra Ong ay isang negosyanteng Pilipino na nasasangkot sa mga kasong may kinalaman sa operasyon ng Lucky South 99.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble