Co-existence ng mga Muslim, Kristiyano at Katutubo, tampok sa isang aktibidad sa BARMM

Co-existence ng mga Muslim, Kristiyano at Katutubo, tampok sa isang aktibidad sa BARMM

TAMPOK sa isang aktibidad sa Mindanao ang pagkakaisa ng mga kapatid nating Muslim, Kristiyano at Indigenous Peoples (IPs).

Nataon naman ito bago ang simula ng panahon ng pangangampanya para sa nalalapit na 2025 midterm elections.

Apat na international Muslim speakers ang bumisita sa Maguindanao del Sur na may layong itaguyod ang pagkakaisa ng iba’t ibang tribo.

Natatangi ang dynamics ng Maguindanao del Sur, Del Norte at iba pang lugar na sakop ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Nandiyan ang mga kapatid na Muslim, Indigenous Peoples, at Kristiyano.

Tampok sa ‘The Common Goal—Interfaith and Islamic Conference in understanding Islam and Co-existence’ sina Dr. Muhammad Salah, Wael Ibrahim, Mufti Esmail Menk at Sheikh Adnaan Menk.

Pag-uunawan sa pagitan ng mga Muslim ang buod ng kanilang presentasyon sa harap ng libu-libong attendees.

Dito nila ipinunto ang kahalagahan ng makatotohanang pagsunod sa mga turo ng Islam para sa kapayapaan.

Lalo na ngayong panahon ng eleksiyon kung saan magkatunggali sa politika ang Muslim leaders at aspirants.

Si former TESDA Chief Suharto ‘Teng’ Mangudadatu ang nanguna sa gawain katuwang ang iba pang local leaders.

‘’This event is never about the election, never about campaigning. But this is all about how we, as Muslims and non-muslims can work together and ensure a better and more progressive Maguindanao, Sultan Kudarat, BARMM, and the Philippines for everyone,’’ ayon kay Gov. Datu Pax Ali Mangudadatu Sultan Kudarat Province.

Si Governor Pax ang panganay na anak ng dating TESDA Chief.

Present din sa event si Maguindanao del Sur Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu.

Samantala, nagpulong din ang traditional at political leaders sa BARMM para sa voters education katuwang ang COMELEC.

Dito itinuro ang tamang paggamit ng automated vote counting machines.

Mahalaga ang convention dahil mabigat ang tungkulin ng traditional leaders para sa nation-building.

Malaking gampanin para ipaabot ang serbisyo ng pamahalaan, maitaguyod ang kapayapaan at maresolba ang mga awayan.

Dumalo sa convention ang iba’t ibang royal houses sa BARMM at ang Confederations of the Royal Sultanate of Mindanao.

Traditional at political leaders sa BARMM, nagpulong para sa kapayapaan at voters education

‘’It should remind us that no matter our differences in politics perhaps even in religion and our perspective in life dapat makita pa rin natin that as humanity as brothers and sisters we still have the common goal na dapat nating pagsikapin,’’ saad ni Gov. Datu Pax Ali Mangudadatu.

Ipinapakita ng aktibidad na nagkakaisa ang mga taga-Mindanao at BARMM sa pagtataguyod ng kapayapaan at kaunlaran.

At lahat ay sama-sama sa pag-unlad at walang maiiwan sa kabila ng mga hamon ng kasalukuyang panahon.

‘’The election politics, all of those are temporary. But the enduring good deeds are better for reward in the eyes of the Creator,’’ wika nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble