Coast Guard Station Aklan, nakamonitor sa Caticlan Jetty Port Terminal, Isla ng Boracay

Coast Guard Station Aklan, nakamonitor sa Caticlan Jetty Port Terminal, Isla ng Boracay

PATULOY ang ginagawang pagbabantay ng mga tauhan ng Coast Guard Station Aklan sa Caticlan Jetty Port Terminal, Isla ng Boracay at iba pang bayan na matatagpuan sa probinsiya ng Aklan.

Ang nasabing gawain ay naglalayong masiguro ang kaligtasan at kaayusan ng mga pasahero at turista kaugnay sa pagpapatupad ng Oplan Biyaheng Ayos: SEMANA SANTA 2024.

Maliban sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad sa mga pantalan, ang mga tauhan ng Coast Guard Station Aklan ay patuloy ang pagbabantay sa Department of Transportation (DOTr) Malasakit Help Desk at Passenger Assistance Center (PAC) upang tumugon sa mga katanungan at pangangailangan ng mga biyahero at mapanatiling maayos at ligtas ang lahat ng maritime transport operations sa buong probinsiya ng Aklan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter