Coast Guard Station Occ. Mindoro, namahagi ng food packs sa mga mangingisda ng San Jose

Coast Guard Station Occ. Mindoro, namahagi ng food packs sa mga mangingisda ng San Jose

UPANG ipadama ang diwa ng Pasko, namahagi ang Coast Guard Station Occidental Mindoro (CGSOM) katuwang ang Coast Guard Sub-Station San Jose ng food packs sa mga mangingisdang pumapalaot sa katubigang sakop ng San Jose, Occidental, Mindoro noong Disyembre 7, 2024.

Ang bawat food packs ay naglalaman ng bigas, noodles, at de lata, na may layuning makatulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga mangingisda.

Dahil dito, lubos ang pasasalamat ng mga benepisyaryo sa tulong na kanilang natanggap.

Ang nasabing aktibidad ay isa lamang sa mga programang inilunsad ng CGSOM ngayong kapaskuhan, na naglalayong magbigay ng saya at pag-asa sa komunidad.

 

Editor’s Note: This article has been sourced from the Philippine Coast Guard – Philippines Facebook Page.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble