INILIPAT na ng Commission on Elections (COMELEC) sa buwan ng Agosto mula Hulyo ang COC filing o ang paghahain ng kandidatura para sa Brgy. at SK Elections (BSKE) na gagawin sa Oktubre.
Ito ay matapos manawagan ang ilang mga mambabatas na ilapit ang petsa ng COC filing sa mas malapit na buwan sa Oktubre.
Sa bagong calendar of activities na inilabas ng komisyon, ang COC filing ay nakatakda na sa August 28 hanggang September 2, 2023.
Kasabay ng COC filing ay ang pagsisimula ng election period hanggang November 14.
Dito ay ipatutupad ang gunban at pagsapit naman ng October 29 – 30 ay ipatutupad naman ang liqour ban.
Ang campaign period ng mga kandidatu ay papayagan ng COMELEC simula October 19 – 30.