PINAHAHANDA ngayon ng Department of Health (DOH) ang cold chains facilities para sa mga COVID-19 vaccine matapos ideklara ng PAGASA na panahon na ngayon ng tag-ulan.
Ayon kay Health Usec. Myrna Cabotaje, dapat laging matiyak ang kaligtasan ng mga bakuna laban sa mga sakuna dahil lubha itong sensitibo.
Lalo na ngayon aniya na tag-ulan kung saan posible na namang magkaroon ng brownout, landslide at pagbaha.
Kaugnay nito, tiniyak din ni Cabotaje na nasa ligtas na lugar ang 1 milyong dose ng sinovac vaccine na inilagay sa cold chains ng Phamaserv express sa Marikina City —na kilalang lugar na madalas bahain dahil nasa mataas na parte ito ng lungsod.
Solusyon sa rotational brownouts, tatalakayin sa Senado ngayong linggo
Maghahanap ngayon ang Senado ng solusyon para hindi na muling mangyari ang brownout sa bansa.
Ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian, chairman ang Senate Committee on Energy, kailangan nang hanapan ng long term solution ang laging kinakaharap na suliranin ng bansa tuwing darating ang tag-ulan
Kasama rin sa reresolbahin ay ang kinakaharap na peligro ng energy sector na red tape dahil ito ang nagpapabagal sa pagpapatayo ng planta.
Pananagutin din ang mga pribadong power player sa kanilang iregularidad lalo na sa hindi pagsunod sa patakaran ng pamahalaan.
Sinabi pa ni Gatchalian na dapat nang iwasan sa gobyerno ang turuan at aminin ang pagkukulang nila at ayusin para tulungan ang Department of Energy (DOE) na makahanap ng solusyon.