COMELEC at OCD, lumagda ng kasunduan para tiyaking makakaboto ang publiko kahit sa gitna ng kalamidad

COMELEC at OCD, lumagda ng kasunduan para tiyaking makakaboto ang publiko kahit sa gitna ng kalamidad

Mayo 1, 2025 – Bacolod City—Nagsanib pwersa ang COMELEC at Office of Civil Defense (OCD) para sa paghahanda ng mga hakbang na mapangalagaan ang karapatan ng mga botante na makaboto sa araw ng halalan

Isinagawa ang aktibidad sa Negros Occidental Provincial Capitol, Bacoolod City kasunod ng pagbisita ni COMELEC Chairman Atty. George Garcia sa Negros.

Ito ay isang hakbang na layong tiyakin na kahit sa gitna ng sakuna ay hindi mapipigil ang karapatang bumoto ng bawat Pilipino.

Sa kabila ng ugnayang ito, nilinaw ng OCD na patuloy pa rin ang kanilang koordinasyon sa bawat LGU lalo na sa mga lugar na madalas bisitahin ng mga sakuna para agad mapaghandaan ang kaukulang responde para dito.

Muling tiniyak ng COMELEC na gagawin nila ang lahat na makaboto ang bawat Pilipino kasabay ng pagsisiguro na walang magiging dayaan sa paparating na halalan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter