COMELEC Division posibleng magpalabas ng disposisyon sa disqualification case laban sa mga Tulfo ngayong araw

COMELEC Division posibleng magpalabas ng disposisyon sa disqualification case laban sa mga Tulfo ngayong araw

POSIBLENG magpalabas na ngayong araw ng Lunes ang COMELEC Division ng disposisyon hinggil sa disqualification case laban sa magkakapatid na Erwin Tulfo, Ben at Wanda Tulfo-Teo, at sa dalawa pa nilang kamag-anak na tumatakbo sa May 12 elections.

Ayon kay COMELEC Chairman Atty. George Garcia, ngayong araw ay posibleng lalabas na ang disposisyon sa DQ case, gaya ng kung ibabasura o kakatigan ng dibisyon ang petisyon.

Matatandaan naman na may panibagong DQ case na inihain laban kay Erwin Tulfo dahil rin sa isyu ng political dynasty, citizenship, at ang patungkol sa kaniyang conviction sa kasong libel.

Ito ay nakatakda na ring i-raffle sa dalawang dibisyon ng poll body.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter