NAGSIMULA nang ipatupad sa Bacoor City ang Commission on Elections (COMELEC) gun ban nitong Miyerkules, Hunyo 28.
Ito’y bilang paghahanda sa nalalapit na plebisito na pagsamahin ang 44 na barangay at gawing 18 mga nayon sa Hulyo.
Nagtalaga na rin ng mga checkpoints sa Bacoor, at sa Carmona ang Cavite Provincial Police Office.
Base sa City Ordinance No. 275-2023, ang plebisito ay gaganapin sa Hulyo 29 hanggang Agosto 5, 2023.