COMELEC, humiling na hindi isuspinde ang SK at Brgy. Elections hanggang 2024

COMELEC, humiling na hindi isuspinde ang SK at Brgy. Elections hanggang 2024

MAINAM kung hindi masuspinde ang Sangguniang Kabataan at Barangay Elections hanggang 2024.

Ito ang sinabi ni Commission on Elections (COMELEC) chairman George Garcia.

Paliwanag ng COMELEC chairman, pinaghahandaan na ng komisyon ang 2025 local and national elections.

Ani Garcia, kahit pa Mayo o Disyembre sa 2023 na isasagawa ang SK at Brgy. Elections ay okay pa rin sa kanila basta’t hindi aabutin ng 2024.

Una nang nilinaw ni Garcia na hindi sila tutol na isuspinde ngayong Disyembre ang SK at Brgy. Elections lalong-lalo na kung ito naman ang napagkasunduan ng 19th Congress.

Follow SMNI NEWS in Twitter