COMELEC, nakapag-imprenta na ng mahigit 53-M na balota para sa May 12 Elections

COMELEC, nakapag-imprenta na ng mahigit 53-M na balota para sa May 12 Elections

SA kasalukuyan, umabot na sa 53.4 milyong balota ang naimprenta ng komisyon gamit ang anim na makina.

Apat sa mga makinang ito ay mula sa National Printing Office, habang dalawa naman ay mula sa Miru Systems, ang service provider ng COMELEC.

Bago tuluyang magamit sa halalan, kailangang makapasa ang lahat ng naimprentang balota sa parehong manual at machine verification upang matiyak ang kalidad at integridad ng mga ito.

Ayon kay COMELEC Chairman Atty. George Garcia, 12.8 milyong balota na ang na-verify ng poll body.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble