COMELEC: NBOC inaasahan na makapagpapalabas na ng opisyal na bilang ng boto

COMELEC: NBOC inaasahan na makapagpapalabas na ng opisyal na bilang ng boto

INAASAHAN ng National Board of Canvassers (NBOC) na makakapagpalabas na ito ng partial at official tally ng mga boto, matapos ma-canvass ang mga boto mula sa iba’t ibang munisipalidad at sa mga botante mula sa ibayong dagat.

Noong Martes, 58 Certificate of Canvass (COC) na ang natapos ng NBOC.

Ayon sa komisyon, sisikapin nitong matapos ang canvassing ng 100 COC ngayong Miyerkules, at inaasahang matatapos ang kabuuang bilang sa Biyernes.

Nasa 175 COC pa ang kailangang ma-canvass bago maganap ang proklamasyon ng mga nanalong kandidato.

Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, ang mga datos na ilalabas ng komisyon ay opisyal na bilang ng boto na siyang pagbabatayan ng proklamasyon.

“From now on, kalimutan na lang muna ang unofficial. Siguro guided na lang tayo. Ito po ang official. Kung ano ang masabi, makita sa NBOC, ito ang final na data na pagbabasehan ng proklamasyon, hindi po sa nakikita nating entities bagamat,” wika ni Atty. George Garcia, Chairman, COMELEC.

Bago magtapos ang linggong ito, posibleng makapagproklama na ang poll body ng mga nanalong kandidato sa pagkasenador at partylist—isang hakbang na tanda ng mabilis na canvassing, na mas pinabilis kumpara sa nakaraang halalan.

“Noong nakaraan, dalawang linggo eh ‘yong canvassing,” dagdag ni Garcia.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble