INILATAG ni COMELEC Chairman George Garcia na patuloy ang paghahanda ng poll body para sa Barangay and SK Elections (BSKE).
Ito ay sa kabila na naisabatas na ang postponement nito at inireset sa susunod na taon.
Ayon kay Garcia, muli nilang bubuksan ang voter registration at muling sisilipin ang mga kontrata para sa procurement.
Umaasa naman ito na mas magkakaroon ng panahon ang mga BSKE aspirants at ang voting public para sa BSKE matapos maisabatas ang pagpapaliban nito sa Disyembre.