INASAHAN na ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman Atty. George Erwin Garcia ang pagpapalabas ng Korte Suprema ng show cause order laban kay Leo Marcos.
Ang kautusan ng kataas-taasang hukuman ay kasunod ng pag-atras ni Leo Marcos sa senatorial race matapos ang pagpapalabas ng korte ng Temporary Restraining Order (TRO) laban sa COMELEC.
Matatandaan na diniskwalipika ng komisyon si Leo Marcos dahil sa pagiging panggulo o nuisance candidate nito pero ang kaniyang kandidatura ay pinaboran ng Korte Suprema na nagbigay daan para ipatigil ng kataas-taasang hukuman ang diskwalipikasyon.
Pero ilang araw lang nang lumabas ang TRO ay naghain ng withdrawal si Leo Marcos sa komisyon.
Dahil dito, kailangan daw magpaliwanag si Leo Marcos sa kaniyang naging aksyon na pagpapakita raw ng kawalan ng galang sa kataas-taasang hukuman.
Kailangan nitong magpaliwanag sa loob ng pitumpu’t dalawang (72) oras kung bakit hindi siya dapat parusahan ng Korte Suprema.
Ayon kay COMELEC Chairman Atty. George Garcia, dapat sineseryoso ang paghingi ng remedyo sa kataas-taasang hukuman.
Learning lesson para sa mga kandidato ang naging kautusan ng Korte Suprema laban kay Leo Marcos.