MAHIGIT tatlong buwan pa ang eleksiyon, pero ang Commission on Elections (COMELEC), todo paalala na sa mga botante para sa tamang pagboboto.
Para hindi magkamali sa pagbilog ng mga ibobotong kandidato, hinihimok ang mga botante na magdala ng sariling kodigo.
Pinapayagan din ang pagdala ng sample ballot pero ayon sa komisyon, mas mainam na sariling kodigo ang dala ng botante pagdating sa Mayo 12.
Poll body, mamamahagi ng voter’s information sheet para magabayan ang mga botante sa araw ng halalan
Ang COMELEC, magbibigay ng voter’s information sheet kung saan nakalagay roon ang listahan ng mga national at local candidate.
Mas mainam raw itong maging reference ng mga botante para sila ay magkaroon ng tamang gabay sa pagboto na hindi umaasa sa ibibigay ng ibang tao.
Mga naligwak na aplikasyon para sa gun exemption, walang threat assessment ayon sa COMELEC
Samantala, batay sa datos ng COMELEC, nasa mahigit isang libo na ang nabigyan ng full exemption para sa election gun ban kasama na rito ang mga opisyal ng gobyerno at security details ng mga government officials.
Una nang sinabi ng komisyon na ang mga top government officials ay awtomatikong exempted sa gun ban.
Sa mga nagpasa naman ng aplikasyon, nasa mahigit 500 na ang naaprubahan ng komisyon, 49 ang deferred habang 11 ang bigong makakuha ng exemption.
COMELEC, magpapalabas ng mga polisiya sa paggamit ng mga personalidad at influencers sa pangangampanya; Mga survey firm, babantayan din ng komisyon
Sa kabilang banda, irerekomenda na sa COMELEC en banc ang pagkakaroon ng regulasyon sa paggamit ng mga personalidad, artista, content creator, at social media influencers sa panahon ng pangangampanya.
Sila ay ipi-presume ng komisyon na binayaran ng mga kandidato at dapat anila itong maireport sa Statement of Contribution and Expenditure (SOCE), 30 araw pagkatapos ang eleksiyon.
Sa unang pagkakataon, ang SOCE ng mga kandidato ay ilalathala ng komisyon sa kanilang official website.
Dapat daw kasing malaman ng publiko kung magkano ang nagastos ng mga kandidato at kung saan galing ang pinanggastos nila sa pagtakbo.
Magpapalabas din ng polisiya ang poll body para sa mga survey firm.
Ayon kay Garcia, ang mga pa-survey na may kinalaman sa mga tumatakbo ay dapat naayon sa regulasyon ng komisyon lalo pa’t ang mga survey ay maaaring makaimpluwensiya sa mga botante.