Comembo School sa Makati City, nagsagawa ng dry run sa pilot implementation ng face-to-face classes

NAGSAGAWA ang Comembo Elementary School sa Makati City ng dry run para sa pilot implementation ng limited face-to-face classes.

Dalawang air purifiers at isang UVC light ang inilagay kada classroom para sa maayos na air ventilation sa loob.

Hatid-sundo rin ang mga estudyante mula sa kanilang bahay patungong paaralan at vice-versa upang maiwasan ang posibleng hawaan sa ibang lugar.

Samantala, umarangkada din ang dry run para sa pilot implementation ng face-to-face classes sa Sen. Rene Cayetano Science High School sa Taguig City.

Target ng Department of Education (DepEd) na simulan sa Dec. 6 ang pilot face-to-face classes sa mga piling paaralan sa Metro Manila.

SMNI NEWS