KINANSELA ng Scottish singer-songwriter na si Lewis Capaldi ang ilang concerts nito sa iba’t ibang bahagi ng mundo kabilang na ang Pilipinas.
Sa anunsiyo ng local promoter na Wilbros Live, ibinahagi nito ang official statement ni Capaldi kung bakit nito kinansela ang kaniyang tour.
Sa nasabing pahayag, health reasons ang naging dahilan ng ‘Singer King’ bakit niya ito kinansela.
Matatandaan na may sakit si Capaldi na Tourette, ang Tourette Syndrome ay isang neurological disorder kung saan hindi mapigilan o makontrol ang pagkilos o paggawa ng tunog gamit ang boses, na tinatawag na tics.
Lubos namang nalungkot ang singer dahil hindi ito makapupunta ngunit sinabi nito na pangangalagaan muna niya ang kaniyang physical at mental health.
Nakatakda sanang magkaroon ng concert si Capaldi sa darating na Hulyo 27 sa New Frontier Theater sa Quezon City.