POSIBLENG irerekomenda ng House Committee on Ethics and Privileges na mapatalsik na bilang congressman ang suspended Negros Oriental 3rd District Rep. Arnie Teves, Jr.
Ito ay kung hindi pa rin magpapakita si Teves pagkatapos ng kaniyang ikalawang 60-day suspension sa Hulyo 30.
Sinabi ni House Committee on Ethics and Privileges Chairman Felimon Espares, wala pa silang senyales hanggang ngayon kung uuwi na ba sa Pilipinas si Teves.
Matatandaang si Teves ay isa sa mga itinuturong masterminds sa pagkamatay ni Negros Oriental Governor Roel Degamo.