TUMAKBO bilang House Speaker o minority leader sa 20th Congress.
Ito ang mungkahi ni Vice President Sara Duterte sa kaniyang kapatid na si Davao City 1st District Rep. Pulong Duterte.
Hindi pa lang aniya siya sinagot ng kaniyang kapatid hinggil dito dahil maaaring iniisip pa ni Cong. Pulong ang kaniyang tsansa na manalo sa posisyon.
Ayon kay VP Sara, wala rin namang lumapit sa kaniya para humingi ng suporta sa pagka-Speaker o pagka-Senate President.