NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang mahigit 60 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana sa Manila International Container Port (MICP).
Ayon sa BOC, nakalagay sa balikbayan boxes ang kush o high grade marijuana na nagmula sa Thailand.
Bukod sa 63.5 kilos ng marijuana ay may 700 piraso ng disposable vapes ang nakumpiska ng BOC sa naturang operasyon.
Samantala, hindi naman tinukoy ng BOC kung sino ang consignee o kanino nakapangalan ang naturang kontrabando.