Contempt order vs Pastor ACQ, hindi na dapat kung wala nang pagdinig—Roque

Contempt order vs Pastor ACQ, hindi na dapat kung wala nang pagdinig—Roque

MABISA lang ang pagpataw ng contempt order habang kasalukuyang nagsasagawa ng pagdinig ang isang komite.

Inihalimbawa ni Dating Palace Spokesperson Atty. Harry Roque ang nangyari noon sa 17th Congress.

Aniya, layon nito ay madinig ang panig ng witness habang isinasagawa ang pagdinig man o imbestigasyon.

Dagdag pa ni Atty. Roque, mabuti na lamang ay bicameral ang Pilipinas dahil dito aniya ay walang magiging epektong legal ang gagawin ng Kamara kung hindi sasang-ayunan ng Senado.

Samantala, naniniwala ang dating Palace official na mas alam ng mga senador ang importansiya ng malayang pamamahayag.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble