Converge magbubukas ng 2 bagong data centers ngayong taon

Converge magbubukas ng 2 bagong data centers ngayong taon

NAKATAKDANG magbukas ngayong taon ang Converge ICT Solutions Inc. ng dalawang makabagong data center.

Matatagpuan ang naturang mga data center sa Metro Manila at Pampanga na may kabuuang kapasidad na 1,500 racks.

Ito’y upang tugunan ang lumalaking pangangailangan sa cloud at enterprise services.

Magkakaroon na rin ng dalawang international submarine cable systems—ang Bifrost at SEA H2X bilang bahagi ng kanilang pagpapalawak bilang isang tech company.

Tinatayang nasa P20B–25B na capital expenditures naman ang inilaan ng naturang kompanya para makumpleto ang proyektong ito.

Samantala, nitong Enero, nauna nang inanunsiyo ng Converge na nakakuha ng Tier 3 Design Certification ang kanilang Caloocan Data Center.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble