Courtesy call sa mga PNPA contingent ng Gitnang Luzon, ginanap sa PRO-3

Courtesy call sa mga PNPA contingent ng Gitnang Luzon, ginanap sa PRO-3

ISANG matagumpay na courtesy call ang isinagawa ng Police Regional Office (PRO-3) sa mga bagong cadeti ng Philippine National Police Academy (PNPA) “Silang Paglaom Class of 2026” na ginanap sa Camp Captain Julian Olivas City ng San Fernando Pampanga.

Lubos ang kagalakan ng PNPA sa paanyaya ng PRO-3 kung saan binigyan sila ng suporta ng mga kapulisan upang maging mabuting alagad ng bansa.

Pinangunahan ito nina PRO-3 Regional Director PBGen. Jose Hidalgo, Jr. at chief examiner PNP-ACAT Region-3 PCol. Rafmil Corpuz.

Nitong Agosto 6, humarap sa ginanap na examination ang mga PNPA contingent sa 37 Testing Centers sa bansa.

Mayroon naman nilaan na 3 Testing Centers sa Gitnang Luzon sa lugar ng Orani Bataan, Cabanatuan Nueva Ecija at sa San Fernando Pampanga.

Dagdag pa ni Diaz na itong taong 2023 ang pinakamaraming aplikante na gustong pumasok sa PNP kumpara noong 2022.

“Record breaking dahil ngayon ang pinakamaraming applicants ang qualified na nag-take ng exams ngayon ay 37,000 at ‘dun sa 37,000 na ‘yun we are hoping and expecting na maraming makapasa sa kanila para maraming maging miyembro ng PNPA long moron line,” ayon kay Jericho Arceo Diaz-PNPA CDT 3C.

Para naman sa mga kababaihan na gustong pumasok sa PNPA, hindi magiging hadlang ang kanilang kasarian para sa kagustuhan nilang maging pulis.

“Fortunately Maam, sa class naming Silag-Paglaon Class of 2026 ang pinakamaraming strength ng females which is umabot ng 101 na total strengths na females, which is sa statistic noon umabot sa 30-40 up na females lang ang pumapasok sa academy at nakakagraduate ng 20 to 30 females lang pagdating nila sa graduation,” ayon kay Trixia Raye Ajose, PNPA CDT 3C.

Samantala hinihikayat din nila ang mga kabataan na gustong maging isang pulis ng bansa kaysa makisama sa mga terorista at kalabanin ang ating gobyerno.

“Mga bagay na makakapagbukas sa isip nila ito ‘yung tamang gawin ito, ‘yung tamang daan, ito ‘yung tamang paraan para ma-secure ko ‘yung future ko, ito ‘yung tamang paraan kumbaga para mabuhay sila ng tama, lumaki sila ng tama, kasi gusto natin iparating sa kanila na ang gobyerno ay hindi natin mga kalaban bagkus ‘yung gobyerno ito ‘yung tutulong, ito ‘yung magbibigay sa kanila ng oportunidad na mas maging maayos ‘yung buhay nila. Narito naman ang ilang mga requirements para sa mga interesadong maging bahagi ng kapulisan.”

“18-22 yrs olds, natural born Filipino, atleast senior high school graduate, height females- 5 foot males- 5’2 foot,” dagdag ni Diaz.

Bukod pa rito, sinusulong nila ang kanilang alma mater at maging daan o tulay sa mga kabataan na ang mga PNPA contingents ay laging bukas upang tumulong at magserbisyo para sa bayan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble