‘Courtesy Resignation’ sa PNP, posibleng maging daan para sa “demoralization” ng kanilang hanay –VACC

‘Courtesy Resignation’ sa PNP, posibleng maging daan para sa “demoralization” ng kanilang hanay –VACC

POSIBLENG maging daan para sa “demoralization” ng hanay ng mga pulis ang courtesy resignation na ipinanawagan sa kanila ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ito ang naging opinyon ni Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) President Boy Evangelista sa panayam ng SMNI News.

Dagdag pa ani Evangelista, hindi naman aabot sa 10 ang mga pulis na sangkot sa kalakaran ng iligal na droga kaya walang dahilan na ipanawagan ang malawakang courtesy resignation ng mga generals at colonels sa Philippine National Police (PNP).

Ngunit sa kabila nito, nirerespeto ng VACC ang panawagan lalo pa’t mas mabilis din namang naiaalis sa PNP ang isang opisyal kung may resignation ito sakaling mapatunayang sangkot sila sa kalakaran ng iligal na droga.

Kung idadaan sa ligal na proseso, tatagal pa ng ilang taon bago maresolba.

Suhestiyon lang ni Evangelista, sanay magkaroon naman ng Board of Inquiry para mapabilis ang imbestigasyon dahil nga hindi lang aabot sa 10 ang mga pulis na may kaugnayan sa iligal na droga batay sa short list ng DILG.

 

Follow SMNI News on Twitter