Courtesy visit ng grupong ACT-CIS, mainit na tinanggap sa Las Piñas City

Courtesy visit ng grupong ACT-CIS, mainit na tinanggap sa Las Piñas City

MAINIT na tinanggap ng Lungsod ng Las Piñas ang grupong ACT-CIS Partylist Representative Erwin Tulfo.

Ang pagbisita ay sumasalamin anila sa matagal at magandang relasyon sa pagitan ng grupo at ng lungsod gayundin ang patuloy na pangakong suporta sa mamamayan ng Las Pin̈as.

Sa pagbabalik-tanaw ni Vice Mayor April Aguilar simula pa noong panahon ng kanyang namayapang ama na si dating Mayor Nene Aguilar, kung saan ikinonsidera nitong mapagkakatiwalaang kapanalig si Tulfo noong reporter pa ito ng Manila Times.

Naging bahagi rin ng pagbangon ng lungsod ang mga Tulfo sa maraming taon lalo na noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Inalala naman ni Rep. Tulfo ang pagkakaibigan nila ni dating Mayor Nene Aguilar na nagsimula pa noong 1990s at ang kanyang pamalagiang paggalang para sa pamilya Aguilar.

Isang motorcade rin ang isinagawa ng grupo sa Las Pinas para makadaupang palad ang mga residente at ipaabot ang mga programa ng ACT-CIS.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter