COVID-19 cases ngayong linggo, mas mababa ng 25%

COVID-19 cases ngayong linggo, mas mababa ng 25%

NAKAPAGTALA ng 977 na bagong kaso ng COVID-19 ang bansa mula Hulyo 31 hanggang Agosto 6 batay sa latest case bulletin ng Department of Health (DOH).

Ito ay mas mababa ng 25 porsiyento kung ikukumpara sa mga kaso noong Hulyo 24 hanggang 30.

Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 140.

Sa mga bagong kaso, 11 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman.

Samantala, mayroon namang naitalang 34 na pumanaw kung saan 12 ay naganap noong Hulyo 24 hanggang Agosto 6.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble