POSIBLENG aabot sa 2k ang arawang COVID-19 cases ng bansa sa buwan ng Oktubre.
Batay sa iniulat ni OCTA Fellow Guido David, tumaas ang weekly positivity rate sa NCR ng 17.5% nitong Setyembre 21.
Mula ito sa 14.3% noong Setyembre 14.
Sa kabila ng posibleng pagtaas, nananatiling mababa ang healthcare utilization rate sa NCR ayon kay David.