COVID-19 positivity rate sa NCR, tumalon sa 17.2%

COVID-19 positivity rate sa NCR, tumalon sa 17.2%

MAS tumaas pa ang COVID-19 positivity rate sa Metro Manila sa 17.2 porsiyento base sa pinakahuling datos ayon kay OCTA Research fellow Guido David.

Ang kasalukuyang positivity rate ay nasa mahigit triple sa ideal threshold ng World Health Organization (WHO) na nasa 5 porsiyento lamang.

Samantala, 3 iba pang probinsiya ang nakapagtala ng higit na mas mataas na positivity rate at ang may pinakamataas ay ang Camarines Sur na nasa 39.7 porsiyento na sinundan ng Rizal na may 28.5 porsiyento Cavite na may 28.1 porsiyento at Laguna na may 21.2 porsiyento.

Samantala, ang positivity rate naman sa buong bansa ay kasalukuyang nasa 15.2 porsiyento base sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH).

Nauna na ring siniguro ng DOH sa publiko na walang dahilan upang mag-panic dahil sa nananatili pa ring mababa ang health utilization rate sa buong bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter