IGINIIT ngayon ng Department of Health (DOH) na dapat ipagpatuloy pa rin ng publiko ang matinding pag-iingat, kahit inirekomenda na ng Inter-Agency Task Force ang optional na pagsusuot ng face mask sa mga outdoor o open areas.
Ipinaliwanag ni Laura Angela Sayson, head executive assistant to the OIC-Secretary ng DOH, anumang oras anya ay maaaring magbago ang sitwasyon ng bansa kaugnay sa COVID-19.
Ang optional anya na pagsusuot ng face mask ay para lamang sa mga low risk individuals o nakakumpleto ng bakuna, pero lahat ng senior citizens at mga may karamdaman ay hinihikayat na magsuot pa rin ng face mask.
Maaari lang din anya ito sa mga lugar na may magandang daloy ng hangin, hindi masyadong matao at nasusunod ang physical distancing.