New generation ng COVID-19 vaccine sa bansa welcome sa isang eksperto

New generation ng COVID-19 vaccine sa bansa welcome sa isang eksperto

WELCOME para sa Philippine Foundation for Vaccination Executive Director Dr. Lulu Bravo ang pagdating ng new generation ng COVID-19 vaccine sa Pilipinas.

Punto nito na ang mga bagong bakuna ay maaaring makasagot sa mga bagong variant na dumadating o darating sa bansa.

Dagdag nito na ang mga environment changes ay tuluy-tuloy kaya asahan din aniya na may mga pagbabago sa bakuna at ang pananaliksik sa mga bakuna ay hindi itinitigil.

Samantala, iginiit din nito na mahalaga ang gagawing National Vaccination Week sa katapusan ng Setyembre para mapataas ang booster coverage ng bansa.

Sa kasalukuyan ay nasa 24 percent ang booster rate ng bansa o katumbas lamang ito ng mahigit 2M Pilipino na nagpabooster shot.

 

Follow SMNI News on Twitter