NANANATILING epektibo laban sa severe symptom ng COVID-19 ang bakuna.
Ito ang inihayag ni Department of Health (DOH)–Technical Advisory Group Member Dr. Edsel Salvana.
Pinaalalahanan din nito ang publiko sa kahalagahan ng bakuna ngayong nagkaroon muli ng panibagong variants ng virus sa bansa.
Aniya, mahalagang maturukan ng bakuna dahil dito tumataas ang immunity.
Sinabihan din nito ang publiko na panatilihing magsuot ng face mask habang pinag-aaralan pa ang impact ng COVID-19 variant na CBB at XBC.