CPP-NPA, dumanas ng matinding pagkatalo ngayong taon

NAGPAHAYAG ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na dumanas ng pinakamatinding pagkatalo ang Communist Party of the Philippines (CPP) ngayong taon.

Ito ay matapos maging epektibo ang ginawa ng gobyerno laban sa CPP-NPA-NDF na Whole of Nation Approach kasabay sa pag buo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Sa kanilang pangunahing programang Barangay Development Program, naging tulay ito para magkaisa ang mga local government officials kasama ng iba’t ibang sektor ng lipunan upang labanan ang mga komunistang teroristang grupo sa kani-kanilang mga area of responsibility.

Ayon kay AFP chief Lt. Gen. Andres Centino, walang dapat na ipagdiwang ang CPP-NPA-NDF sa kanilang anibersarsyo noong Disyembre 26, 2021 dahil naging matagumpay ang bansa laban sa mapaminsalang CPP-NPA-NDF sa ating bansa na namayagpag ng 53 taon.

“The CPP has nothing to celebrate on its December 26 anniversary. The year 2021 was the most successful period in our fight against insurgency. Our campaign has proven to be effective with the employment of the whole-of-nation approach involving instrumentalities of government in addressing the root causes of conflict that are at the center of the CPP’s manipulation and exploitation scheme,” pahayag ni Centino.

Malaking kawalan din ang pagkalagas ng mga pinuno ng mga guerrilla fronts na naging dahilan sa tuluyang pag bagsak ng mga ito.

Samantala, handang magbigay ng PHP5.6 milyong pabuya ang Department of National Defense (DND) at Department of the Interior and Local Government (DILG) sa kahit sinong makapag tuturo sa kinaroroonan ng most wanted na CPP-NPA leader sa Mindanao na si Menardo Villanueva alyas “Bok”, 65-taong gulang.

Follow SMNI NEWS twitter