Muling itinalaga ng Anti-Terrorism Council (ATC) ang grupong Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA-NDF) bilang isang teroristang organisasyon.
Sa pahayag ng Presidential Communications Office, ang muling pagtalaga sa CPP-NPA ay batay sa ATC Resolution no. 53.
Dahil ito sa patuloy na pag-atake ng grupo sa mga pwersa ng gobyerno at pagbibigay ng takot sa publiko.
Tinukoy rin dito ang tinatayang mahigit sa dalawandaang karahasan ang naitala ng grupo mula noong Disyembre 2020 hanggang Agosto 2023.
Bukod pa dito, tinukoy din ng ATC ang limampu’t apat na kaso ng CPP-NPA dahil sa paglabag sa Terrorism Financing Prevention and Suspension Act of 2012 at sa Anti-Terrorism Act hanggang noong December 31, 2023.
Maliban pa ito sa 478 na nakabinbing kaso ng grupo.
Bukod sa CPP-NPA, nanatili rin ang pagtalaga sa grupong Islamic State East Asia (ISEA) at sa iba pang mga grupo na may kaugnayan.