Creamline at Petro Gazz maghaharap pa muli para sa Game 3 ng finals

Creamline at Petro Gazz maghaharap pa muli para sa Game 3 ng finals

MAGKAKAROON pa ng Game 3 sa Abril 12 ang best-of-three Finals ng 2024-2025 PVL All-Filipino Conference.

Ito’y dahil natalo ng Creamline Cool Smashers kahapon, Abril 10 sa Game 2 ang Petro Gazz Angels sa iskor na 25-15, 16-25, 25-21, 15-25, 15-9.

Kung matatandaan, panalo ang Angels kontra Cool Smashers sa Game 1 noong Abril 8.

Sa Battle for Third naman ay magkakaroon din ng Game 3 dahil nanalo ang Choco Mucho Flying Titans kontra Akari Chargers sa iskor na 25-18, 25-22, 27-29, 25-19.

Sa Game 1 kung babalikan ay Chargers ang nagwagi.

Samantala, sa Game 2 kahapon ay Player of the Game si Sisi Rondina para sa Flying Titans matapos nag-ambag ng 26 points.

Para sa Cool Smashers ay si Bernadeth Pons ang Player of the Game matapos nag-ambag ng 22 points sa kanilang koponan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble